Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na maganda ang itinatakbo ng tuloy-tuloy na bakunahan kontra ASF.
Batay sa pinakahuling tala ng DA, aabot na sa 29,000 doses ng ASF vaccine ang naibakuna kung saan nasa 51 lang ang naitalang mortality.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, batay sa mga inisyal na ulat, epektibo ang bakuna sa mga naunang baboy na naturukan na.
Sa ngayon, tuloy-tuloy na rin ang pagbaba ng ASF case na as of March 14 ay nasa 39 na barangay na lang ang nasa red zone.
Kumpiyansa rin ang DA na lalo pang bababa ang kaso ng ASF sa bansa sa tulong na rin ng controlled vaccination at mas mahigpit na border control. | ulat ni Merry Ann Bastasa