Inaasahang aabot sa ‘danger’ level ang heat index na mararamdaman sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 44°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw at ito ay maitatala sa bahagi ng Dagupan City sa Pangasinan.
Hanggang 42°C heat index din ang posibleng maramdaman sa Virac, Catanduanes.
Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot sa 34-35°C ang heat index. | ulat ni Merry Ann Bastasa