Yumao na ang beteranong opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) at sentro ng isa sa pinakamalalaking eskandalo sa eleksyon ng bansa, na si Virgilio Garcillano.
Pumanaw ang nasabing opisyal sa kanyang tahanan sa Baungon, Bukidnon noong Sabado.
Nakaburol si Garcillano sa St. Peter’s Chapel sa Uptown, Cagayan de Oro City, ngunit wala pang anunsyo hinggil sa mga detalye ng libing nito.
Si Garcillano ay matagal naglingkod sa COMELEC — mula sa pagiging special attorney noong 1961 hanggang sa pagiging regional director sa Hilagang Mindanao.
Ngunit mas tumatak ang kanyang pangalan nito noong 2005, nang lumabas ang kontrobersyal na “Hello Garci” recordings—isang serye ng umano’y pag-uusap nito at ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa halalan.
Bagamat humingi ng paumanhin si Arroyo sa pakikipag-usap sa isang opisyal ng COMELEC, itinanggi naman ni Garcillano ang anumang dayaan sa eleksyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco