Determinado ang Department of Education na bawasan ang workload at administrative work ng mga pampublikong guro.
Kaya naman, inihayag ni Education Sec. Sonny Angara na target nilang mabawasan ng hanggang 57% ang paperworks ng mga ito.
Ayon sa DepEd, lumalabas kasi na umaabot ng hanggang sa 174 na mga school form ang sinasagutan ng mga guro.
Dahil sa bagong panuntunan, 5 forms na lamang ang obligadong sagutan ng mga guro, 31 para sa ancillary task at 39 naman para sa teaching related assignment depende sa kanilang posisyon sa paaralan.
Paliwanag ni Angara, layunin nito na bawasan ang bureaucratic workload ng mga guro upang mas mapagtuunan nila ng pansin ang pagtuturo.
Pormal namang maglalabas ng department order ang DepEd para sa guidelines ng bago nilang polisiya. | ulat ni Jaymark Dagala