Bumiyahe na patungong New Delhi, India si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo upang lumahok sa 10th Raisina Dialogue na nagsimula kahapon Marso 17 at tatagal hanggang 19.
Ang Raisina Dialogue ay taunang pagpupulong na inorganisa ng Observer Research Forum at Ministry of External Affairs ng India.
Dito tinatalakay ang mahahalagang usapin sa geopolitics at ekonomiya kasama ang matataas na opisyal at eksperto sa pandaigdigang estratehiya.
Sa unang pagkakataon, dadalo si Secretary Manalo sa naturang forum. Kasabay nito, makikipagpulong siya sa iba pang foreign ministers, makikipagdayalogo sa mga negosyante, at bibisita sa Philippine Embassy sa New Delhi upang obserbahan ang operasyon ng e-Visa system. | ulat ni Lorenz Tanjoco