Pinagtibay na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Toledo City Local Government sa Cebu ang kanilang partnership para sa pagtatayo ng housing projects.
Isang Tripartite Memorandum of Agreement ang nilagdaan na ng DHSUD, LGU at Pag-IBIG Fund para sa proyekto sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, pangunahing hakbang umano ito tungo sa pagbibigay ng disente ngunit abot-kayang pabahay para sa mamamayan.
Itatayo sa lungsod ang may 3,000 housing units na may open spaces, parking lots at iba pang amenities.
Sa panig ni Toledo City Mayor Marjorie Perales, pinagtibay nito ang kanyang pangako sa pagtiyak na magkakaroon ng access sa disente at abot-kayang pabahay ang bawat pamilya.
Iginiit namanni Pag-IBIG Deputy CEO Alexander Aguilar ang suporta ng ahensya para sa inisyatiba ng gobyerno sa pabahay, na binibigyang-diin ang papel nito sa pagpopondo sa programa. | ulat ni Rey Ferrer