Tuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na maging digitalized na din ang pamamahagi ng iba pang ayuda na ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga nangangailangan.
Kasunod ito ng ilang benipesyaryo ng pantawid pamilyang Pilipino Program o 4Ps mula sa Malabon at Navotas ang nakatanggap ng mobile phone kung saan ay doon na ipadadaan ang ayuda na ibinibigay ng pamahalaan.
Sinabi ni Atty. Castro na kanilang susunod sunurin, sa abot ng makakaya ng pamahalaan na sa pamamagitan ng e wallet ay duon na maidaan ang pamamahagi ng ayuda.
Hindi lamang 4Ps kundi pati na Ang iba pang ipinamamahaging financial assistance gaya ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers.
Ang hakbang ay alinsunod na din sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maabot ang pagkakaruon ng 90% na digitalization para sa mas mabilis ang transaksiyon ng mga taumbayan sa pamahalaan. | ulat ni Alvin Baltazar