Sa pagpapatuloy ng adhikain para sa makatao at makatarungang hustisya, pinangunahan ng Department of Justice (DOJ) ang isang mataas na antas ng pagpupulong ukol sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Ginanap ang “Beyond Bars: Healing Lives Through Compassionate Release and Medical Parole” sa Admiral Hotel, Malate, kung saan pinag-usapan ang mga reporma para sa paglaya ng matatanda, may malubhang sakit, at may kapansanan na PDLs.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, na kinatawan ni Undersecretary Raul Vasquez, hindi lang mga PDL ang makikinabang sa hakbang na ito kundi pati ang buong lipunan, dahil isinusulong nito ang dignidad at rehabilitasyon.
Dumalo sa pulong ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Bureau of Corrections (BuCor), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Human Rights (CHR), at Department of Social Welfare and Development (DSWD), pati na rin ang mga international at civil society organizations.
Layon ng programa na bumuo ng mga patakaran at gabay para sa mas makataong pagpapalaya, kasabay ng rehabilitasyon ng mga kwalipikadong PDLs. | ulat ni Lorenz Tanjoco