Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Finance sa World Bank para sa suporta nito sa binabalangkas na carbon pricing policy instrument ng Pilipinas.
Sinabi ni Finance Undersecretary Maria Lualhati Dorotan-Tiuseco na prioridad din nila ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno upang ihanda ang iba pang hakbang para sa malinaw na polisiya sa high-integrity carbon credits na kikilalanin sa loob at labas ng bansa.
Ang pagpepresyo ng carbon ay isang diskarte upang bawasan ang greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng paglalagay ng halaga sa mga carbon emissions bilang kabayaran sa pinsalang dulot nito sa kapaligiran.
Sa ngayon, kinukonsidera ng binuong technical working group ang posibleng epekto ng carbon pricing sa socio-economic condition ng bansa at tinitiyak na ang ilalatag na polisiya ay non-inflationary, akma sa bansa, at makakatulong sa pamumuhunan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes