Tiniyak ng Department of Finance (DOF) na may sapat na polisiya at estratehiya ang Pilipinas para sa Environment, Social and Governance (ESG) compliance para sa climate financing.
Ayon sa DOF, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at private sector binubuo ng kagawaran ang Climate Finance Strategy (CFS).
Layon ng CFS na pondohan ang climate priorities ng bansa para suportahan ang membership nito sa global multilateral funds, at pataasin ang sustainable finance effort.
Magsisilbi rin itong blueprint para sa climate related activities ng national at private sector sa pagkamit ng climate-resilient Philippines.
Kabilang sa pagsisikap ng Pilipinas ang agarang pagpapatupad ng National Adaptation Plan (NAP) at iba pa, upang magamit ng bansa ang pondo para sa climate action.
Ang pondo para sa CFS initiatives ay mula United Kingdom Foreign, Commonwealth and Development Office at Canadian government. | ulat ni Melany Valdoz Reyes