Photo courtesy of Department of Health
Umalalay na ang Department of Health (DOH) sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na bumalik ng Pilipinas.
Ang mga nasabing OFW ay ang mga nabiktima ng human trafficking sa Myanmar.
Sa abiso ng DOH, isa-isang isinailalim sa check-up at monitoring ang second batch na nasa 176 OFWs na dumating sa bansa bukod pa sa 30 naunang nakabalik na ng Pilipinas.

Nagkaloob ng medical and psychosocial support ang mga nasabing OFWs mula sa mga tauhan ng DOH galing ng mga pampulikong hospital.
Partikular sa San Lorenzo Ruiz General Hospital, Las Piñas General Hospital, at National Center For Mental Health.
Nabatid na ikinasa ng DOH ang aktibidad matapos dumaan sa standard procedures ang mga OFW mula sa Department of Migrant Workers (DMW). | ulat ni Lorenz Tanjoco