Pinag-ibayo pa ng Department of Health National Capital Region (DOH-NCR) ang immunization program nito para labanan ang sakit na tigdas.
Ngayong araw, inilunsad ng DOH Metro Manila Center for Health Development ang Bakunahan sa Purok ni Juan sa Binondo Maynila.
Nilalayon ng programa na pataasin ang immunization coverage sa pagsasagawa ng catch up immunization at makakuha ng ibayong suporta mula sa iba’t ibang sektor na labanan ang nasabing sakit, at maprotektahan ang mga purok o komunidad at mga vulnerable population mula sa Vaccine-Preventable Diseases tulad ng tigdas.
Target ng Bakunahan sa Purok ni Juan ang siyam na buwan hanggang 59 na buwan gulang na mga bata, na nakaligtas ang scheduled routine ng bakuna at nakatanggap lamang ng unang dose.
Bukod sa measles vaccination, nagsagawa rin ang DOH-NCR ng iba pang health services tulad ng non-communicable disease risk assessment, vitamin A supplementation, at family planning services.
Sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, nakapagtala ng 358 na kaso ng measles mula January 1 hanggang March 15, 2025 sa Metro Manila. | ulat ni Michael Rogas