Naniniwala si justice Secretary Crispin Remulla na may tao o grupo na nasa likod ng pag papakalat ng fake news o maling impormasyon sa social media
Sa ngayon, 20 nagpapakalat ng fake news ang iniimbistigahan na ng NBI.
Prayoridad naman ng DOJ ang kapakanan ng nakakarami kaysa sa freedom of speech at freedom of expression ng iilan.
Ang fake news ay fake news at ang pagpapakalat ng kasinungalingan ay maaring magdulot ng panic at unsettled society, chaos at pagkakawatakwatak.
Dagdag pa ni Remulla walang mali sa paglalabas ng saloobin sa social media basta ito ay totoo.
Maaring maharap sa kasong cybercrime ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng fake news. | ulat ni DK Zarate