Nananawagan ang Department of Justice (DOJ) sa publiko na panatiliin ang pagkakaisa.
Ginawa ang pahayag kasunod ng iba’t ibang saloobin sa nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nais lamang ng pamahalaan ipatupad ang hustisya.
Dapat lang aniya na magkaisa ang lahat ng Pilipino bilang isang bansang nagnanais ng hustisya. | ulat ni DK Zarate