Nagkaroon ng pagpupulong ang Department of Tourism (DOT) kasama ang Transportation Department (DOTr) para sa isang kolaborasyon sa pagpapalakas ng sektor ng turismo at transportasyon sa bansa.
Sa naturang pagpupulong, kapwa nagpalitan ng kaalaman si Tourism Secretary Christina Frasco at si Transportation Secretary Vince Dizon para sa pagpapalakas ng dalawang sektor.
Ayon kay Secretary Frasco na nais niyang magkaroon ng kasanayan ang nasa mahigit 11,600 airport personel ng Filipino Brand of Excellence training upang magsilbing tourism frontliners sa mga paliparan sa bansa.
Dagdag pa ni Frasco na isang magand indikasyon nito dahil pagdating pa lamang nila sa bansa ay ramdam na nila ang Filipino hospitality at mas ramdam ang maayos na tourism experience pag dating nila sa Pilipinas.
Suportado naman ito ni DOTr Secretary Vince Dizon at ikakasa na ang isang memorandum of agreement ukol dito. | ulat ni AJ Ignacio