Mas pinalakas pa ng Department of Tourism (DOT) ang suporta nito sa pribadong sektor upang patuloy na mapasigla ang industriya ng turismo sa bansa.
Sa kanyang talumpati sa 10th International Travel Festival 2025, binigyang-diin ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang mahalagang papel ng mga pribadong kumpanya sa muling pagbangon at pagbabago ng turismo sa Pilipinas.
Ayon sa kalihim, hindi lang dapat kilalanin ang bansa bilang destinasyon ng saya at pakikipagsapalaran, kundi bilang isang lugar na mamahalin.
Patuloy ang pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang mas mapalakas ang kampanya sa turismo sa ilalim ng #LoveThePhilippines at #BagongPilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco