Nanawagan muli ang Department of Transportation (DOTr) sa grupong Manibela na makipag-dayalogo sa halip na ituloy ang kanilang tigil-pasada.
Ayon sa DOTr, bukas ang ahensya na pakinggan at pag-aralan ang mga mungkahi upang gawing mas inklusibo ang Public Transport Modernization Program, hindi lamang para sa mga pasahero kundi para rin sa mga operator at driver.
Binigyang-diin din ng ahensya ang kahalagahan ng konstruktibo at bukas na dayalogo sa paghahanap ng solusyon kaysa sa tigil-pasada na magdudulot ng malaking abala sa mga ordinaryong Pilipino.
Samantala, tiniyak ng DOTr na nakahanda ang pamahalaan na tumugon sa mga pangangailangan ng mga pasahero sa mga lugar na apektado ng kilos-protesta. | ulat ni Diane Lear