Mas pinalawak at pinahusay na serbisyong pangkalusugan ang hatid ng bagong 12-palapag na gusali ng Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center sa Barangay Pulang Lupa 1, Las Piñas City.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), pinalitan nito ang dating 2-palapag na gusali upang mapabuti ang serbisyong medikal sa lungsod.
May kabuuang sukat na 13,650 metro kuwadrado, ang bagong ospital ay may sapat na pasilidad para sa internal medicine, pediatrics, isolation wards, hemodialysis, at rehabilitasyon.
Ayon kay DPWH-NCR Director Loreta Malaluan, patunay ito sa pangako ng administrasyong Marcos na bigyan ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan ang bawat Pilipino.
Ang proyektong ito, na nagkakahalaga ng ₱791.53 milyon, ay itinayo sa loob ng limang yugto mula 2021. | ulat ni Lorenz Tanjoco