Tiwala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hindi maiimpluwensiyahan at hindi magagamit ng sino mang kandidato ang mga social worker ng kagawaran, na nangangasiwa sa pamamahagi ng ayuda para sa mga benepisyaryo nito.
Ayon sa kalihim, tapat sa kanilang serbisyo ang mga social worker ng kagawaran na laging handang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
“Our social workers are the most professional and the most noble there is. Tutulong yan pag nakakita ng kailangan tulungan.” — Gatchalian
May opsyon din aniya ang mga social worker na maghain ng grievance sa Civil Service Commission kung mayroon mang magtangkang mag-impluwensya sa kanila.
Kasunod nito, muling iginiit ng kalihim na hindi kailangan ng referral ng sino mang nangangailangan sa ahensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa