Photo courtesy of DSWD Bicol
Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na pag-ulang dulot ng shear line sa Capalonga, Camarines Norte.
Umabot sa 153 Family Food Packs ang ipinamahagi noong Linggo, March 23, 2025, sa Barangay Cationan at Del Pilar, kung saan labis na naapektuhan ang kabuhayan ng mga residente.

Ang relief distribution ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng DSWD-Bicol alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian at sa pamumuno ni Regional Director Norman Laurio. Pinangunahan ito ng Municipal Action Team (MAT) ng Capalonga katuwang ang lokal na pamahalaan.
Sa kabuuan, umabot na sa P72.1 milyon ang naipamahaging tulong sa 150,538 pamilya sa rehiyon na naapektuhan ng shear line. | ulat ni Paul Hapin | RP Albay