Plantsado na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapatupad ng Tara, Basa! Tutoring Program para sa taong 2025.
Ito’y matapos makipagkasundo ang DSWD sa 66 na state and local universities and colleges at local government units sa buong bansa.
Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, magsasagawa ng initial screening ang mga state and local universities sa mga second-year hanggang fourth-year college students na kabilang sa low-income families bilang mga prospective na benepisyaryo ng programa.
Ang partnership na ito ay para matulungan ang mga mag-aaral sa kolehiyo sa pagkumpleto ng kanilang tertiary education.
Kabilang sa mga kalahok na paaralan ay nagmula sa lahat ng rehiyon sa bansa, kabilang ang National Capital Region (NCR). | ulat ni Rey Ferrer