Nagpaabot ng tulong-pangkabuhayan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 91 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa Pangasinan.
Pinangunahan mismo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pamamahagi ng ₱38-milyong halaga ng tulong na magsisilbing seed capital grant sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Inaasahang mapapakinabangan ito ng 1,617 na mga magsasaka at 361 vendors sa lalawigan.
Ang naturang seed capital mula sa DSWD ay naglalayong tulungan ang mga lokal na magsasaka at mga tindera habang sinisimulan nila ang kanilang agri-business at tinatangkilik ang mga oportunidad sa kabuhayan sa bagong agri-trading center.
Ang pamamahagi ay isinabay sa inagurasyon at turn-over ceremony ng Rosales Agricultural Trading Center, isang proyektong pinangunahan naman ng Department of Agriculture (DA), Abono Partylist, at mga lokal na pamahalaan ng bayan ng Rosales at lalawigan ng Pangasinan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
