Binigyang-diin ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) na masama ang epekto ng hindi malusog na pagkain sa ekonomiya ng Pilipinas!
Ayon sa bagong pag-aaral nito kasama ang World Bank at Food and Agriculture Organization (FAO), umaabot sa 5% ng kabuuang GDP ng bansa ang nalulugi dahil sa mga sakit na dulot ng hindi tamang nutrisyon.
Ibinahagi sa isang forum ang datos na nagpapakitang hindi gaanong bumuti ang kalidad ng pagkain ng mga Pilipino.
Ayon kay Dr. Ma. Julia G. Gubat ng DOST-FNRI, mababa pa rin ang pagkonsumo ng masusustansyang pagkain, at may malaking pagkakaiba sa nutrisyon depende sa rehiyon.
Samantala, ipinaliwanag ni Dr. Sue Horton ng FAO kung paano tinantiya ang gastos sa ekonomiya ng mga diet-related na sakit.
Dahil dito, ipinapanawagan ng mga eksperto ang mas epektibong estratehiya upang mapabuti ang nutrisyon ng mga Pilipino. | ulat ni Lorenz Tanjoco