Sa kabila ng isyu sa politika at global economic challenge, isa pa rin ang Pilipinas sa pinakamabilis lumagong ekonomiya sa Timog-Silangang Asya, ngayong taon.
Sa virtual briefing ni Moody’s Economist Sarah Tan, sinabi niya na ‘stand out’ o namumukod tangi pa rin ang Pilipinas sa rehiyon dahil sa matibay na domestic economy at maasahang private consumption.
Ayon kay Tan, inaasahan ng Moody’s Analytics na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.9 percent ngayong 2025, mas mataas kumpara sa 5.6% noong 2024. Sa susunod na taon, inaasahang tataas pa ito sa 5.8%.
Aniya, bagamat mababa ito sa target ng gobyerno ito pa rin ang pinakamalakas na paglago sa loob ng tatlong taon.
Aniya, itutulak ng investment at private consumption ang paglago na sinusuportahan din ng bumababang inflation at pagluwag ng patakaran sa pananalapi.
Base sa pagtaya ng Moody’s, inaasahan ding patuloy na bababa ang inflation at mananatili sa loob ng target range ng gobyerno, na inaasahang 2.8% sa 2025 at 3% sa 2026. | ulat ni Melany Valdoz Reyes