Kumpiyansa si Finance Secretary Ralph Recto na maaabot ng ekonomiya ng Pilipinas ang hindi bababa sa 6 porsyentong paglago ngayong taon.
Sa isang panayam ng Bloomberg TV, sinabi ni Recto na umaasa siya sa mas mababang interest rates, patuloy na paggasta sa imprastraktura, at election-related spending para mapalakas ang ekonomiya.
Aniya, maging ang World Bank, IMF (International Monetary Fund), at iba pang institusyon ay nagsasabing nasa tamang landas ang Pilipinas ayo patungo sa 6%.
Ito ay bunsod ng maganda ang ating macroeconomic fundamentals, bumaba ang unemployment at bumababang inflation, lumalawak ang middle class at mahigit 5% na GDP.
Gayunpaman, binanggit niya na isa sa mga panganib ay ang posibleng pagbagal ng pandaigdigang ekonomiya.
Umaasa siya na hindi maaapektuhan ang mga balakid dahil sa lumalago pa rin ang BPO industry, pagtaas ng remittances mula sa OFWs, at gumagandang tourism output. | ulat ni Melany Reyes