Inilabas ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang isang advisory kaugnay ng bagong serye ng Israeli strikes sa South Lebanon at Bekaa.


Sa babala ng Embahada sa lahat ng Pilipino sa Lebanon, sinabi nito na iwasan muna ang pagbiyahe o pananatili sa Southern Lebanon at Bekaa bunsod ng tumitinding tensyon at serye ng pag-atake mula sa Israel.
Ayon pa sa dvisory, pinapayuhan ang mga kababayan natin na manatiling alerto, sumunod sa tagubilin ng lokal na awtoridad, at gawin ang lahat ng kinakailangang pag-iingat.
Nakahanda naman ang embahada na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. Maari ring makipag-ugnayan sa OFW emergency hotlines o sa Embassy hotline kung kinakailangan.
Kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 3 sa Lebanon na nagpapatupad ng voluntary repatriation ng mga Pinoy sa nasabing bansa. | ulat ni EJ Lazaro