Arestado ang ilang Pilipino sa Qatar, araw ng Bieyernes, dahil sa hinihinalang pagsali umano ng mga ito sa isang hindi awtorisadong political demonstration sa Doha.
Ito ang kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar. Dahil sa insidente, kasalukuyan itong nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad doon upang matiyak na mabibigyan ng kinakailangang konsular na tulong ang mga nahuling kababayan. Wala pang ibinibigay na detalye ukol sa bilang ng mga inaresto at ang kanilang kasalukuyang kalagayan.
Muling iginiit ng embahada ang kanilang paalala noong Marso 13, na dapat sundin ng lahat ng Pilipino sa Qatar ang mga lokal na batas at kultura, lalo na ang mga may kinalaman sa pampublikong demonstrasyon at pagpapahayag ng mga hinaing pampulitika upang maiwasan ang kahalintulad na insidente. | ulat ni EJ Lazaro