Photo courtesy of Municipality of San Andres, Catanduanes
Inilunsad ng Department of Agriculture sa pakikipagtulungan ng Doctor Feeder Agri-Vet Supply, ang National Rice Program Fertilizer Discount Voucher sa bayan ng San Andres, Catanduanes.

Nasa 244 na mga magsasaka mula sa naturang bayan ang nakatanggap ng Fertilizer Discount Vouchers (FDVs) mula sa Provincial Agriculture Office at LGU San Andres sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office.
Layunin ng naturang programa na suportahan ang mga magsasaka para sa magandang produksyon ng palay sa mga target na rice farm areas, mapataas ang ani, at masuportahan ang sektor ng agrikultura na maisakatuparan ang food security sa bansa.

Pwedeng magamit ng mga magsasaka ang naturang FDV sa pagbili nila ng mga pataba sa mga DA-accredited merchant sa kanilang mga lugar.
Ang inisyatibang ito ay bahagi rin ng National Rice Program-Fertilizer Discount Voucher Support na isa sa mga flagship program ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture. | ulat ni Rosie Nieva | RP1 Virac