Ipinagmalaki ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto sa harap ng mga investors ang mga nakamit sa ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr.
Sa kanyang talumpati sa harap ng InvestPH 2025 na dinaluhan ng may 300 global investors sa Philippine Stocks Exchange, sinabi niya na nasa tamang oras at tamang lugar ang mga banyagang mamumuhunan sa bansa.
Aniya, sa kabila ng global uncertainties nanatiling fastest-growing economies ang Pilipinas sa Asia-Pacific simula nang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2023.
Hindi ito aniya maipagkakaila ng mga multilateral agencies gaya ng International Monetary Fund (IMF), World Bank, at Asian Development Bank (ADB).
Binigyang-diin din ng kalihin ang matagumpay na pag-alis ng gobyerno ng mga balakid na siyang humaharang sa “ease of doing business” at pagtanggap ng mga investment-led growth.
Sa ngayon ayon sa DOF chief, naiposisyon na ang bansa bilang gateway sa Asya dahil sa kakayahan ng ekonomiya nito sa gitna ng pabago-bagong global markets.
Ang InvestPH ay kauna-unahang investors conference ng Philippine Stock Exchange upang i-promote ang Philippine capital market sa pagiging prime investment destination. | ulat ni Melany Valdoz Reyes
