Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na walang malubhang sakit ang dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay VP Duterte, ang idinadaing lamang ng kaniyang ama ay pananakit ng tuhod at likod, na aniya’y karaniwang iniinda ng mga nakatatanda.
Bukod dito, nahihirapan din umano ang dating pangulo sa matinding lamig sa Netherlands.
Sinabi pa ng Bise Presidente na humina na rin ang paningin at pandinig ng dating pangulo dahil sa kaniyang edad.
Samantala, tiniyak ni VP Duterte na walang dapat ikabahala ang mga testigo at pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings sakaling bumalik sa Pilipinas ang dating pangulo.
Aniya, wala itong kakayahang manggipit o magtanim ng ebidensya, lalo na ngayong may edad na ito at wala na sa kapangyarihan. | ulat ni Diane Lear