Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang paglalagay ng pre-stressed concrete deck girder ang inter-island Guicam Bridge na magkokonekta sa isla ng Olutanga sa mainland ng Zamboanga Sibugay at sa buong Mindanao.
Sa kanyang progress report kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, binigyang diin ni Senior Undersecretary Emil Sadain ang matagumpay na paglagay ng apat na pre-stressed concrete girders sa pagitan ng abutment A at pier 1 ng Guicam Bridge project.
Ang naturang tulay ay nagkakahalaga ng halos ₱1.2-billion, kasama na ang Lutiman-Mabuhay-Olutanga road network nito.
Ang Guicam Bridge ay tumatawid sa Canalizo Strait at may habang 1.21 kilometers.
Ang proyekto ay kalakip sa goal ng Bagong Pilipinas, sa pamunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ikokonekta ang mga isla at mga isolated area ng bansa upang maisulong ang kaunlaran.
Ayon kay Usec. Sadain, ang konstruksyon ng Guicam Bridge ay nakatakdang matatapos nitong taon. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga
DPWH Regional Office-9