Pinababalik ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (MERALCO) ang mahigit P19.9 bilyon na sobra sa kanilang nakolekta mula sa kanilang mga customer.
Ito ang kinumpirma ni ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta alinsunod na inilabas nilang resolusyon.
Ayon kay Chairperson Dimalanta, ang sobrang koleksyon ay mula July 2022 hanggang December 2024 at ipatutupad ang refund sa loob ng 36 na buwan.
Katumbas aniya ito ng 12 sentimos kada kilowatt hour para sa lahat ng customer at habang 20 sentimos kada kilowatt hour sa mga residential customer. | ulat ni Jaymark Dagala