Sa pagpasok ng tag-init, nasa ‘danger’ level na heat index o init sa katawan ang inaasahang bubungad sa ilang lugar sa bansa ngayong araw.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 47°C ang pinakamataas na heat index ngayong araw at ito ay maitatala sa bahagi ng Dagupan, Pangasinan.
Dito rin naitala ang pinakamataas na heat index kahapon.
Hanggang 42-43°C heat index din ang asahan sa lima pang lugar sa bansa kabilang ang Tuguegarao City sa Cagayan; Legazpi, Albay; Virac, Catanduanes; Pili, Camarines Sur, at Butuan sa Agusan del Norte.
Sa ilalim ng danger category, maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot sa 38-40°C ang heat index. | ulat ni Merry Ann Bastasa