Naging mainit ang temperatura sa Lungsod ng Maynila kaninang hapon.
Batay sa Automated Weather Station, umabot sa 41°c ang heat index o nasa kategorya na Extreme Caution”
Nagsimulang maramdam ang matinding init kanilang 1:30pm at inasahang tumagal hanggang 3:00pm.
Bago ito, naglabas ng abiso ang Manila LGU kaugnay sa pag-iingat dahil sa nararanasang mainit na panahon.
Inaabisuhan ang publiko na manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng walong basong tubig at hangga’t maaari ay iwasan ang outdoor activities at magsuot ng light colors at maluwag na damit.
Kung hindi naman maiiwasan na lumabas ay ugaliing magpahinga every 30 minutes upang mabigyan ng oras ang katawan na makapag pahinga at mag-cooldown at maiwasan ang heat exhaustion at heat stroke.
Para sa emergency, kontakin ang numerong 0932-662-2322. | ulat ni DK Zarate