Itinuturing na magandang balita ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang tugon ng ilan sa mga nakausap na mamimili at nagtitinda sa ilang palengke sa Quezon City na nagkaroon na ng pagbaba sa presyo ng ilan sa pangunahing bilihin.
Kamakailan ay nag-ikot si Tulfo sa Nepa Q-Mart at Farmers Market para mangampanya.
Dito sinabi ng ilan sa mga mamimili na may pagbaba na sa presyo ng gulay.
Gayunman mataas pa rin ang presyo ng isda. Batay naman aniya sa paliwanag ng mga nagtitinda, matumal ang huli ng isda.
Ikinalugod din ng mambabatas na mayroon na ring naibebentang mas murang bigas sa mga palengke kung saan mayroon pa aniya P39 kada kilo. | ulat ni Kathleen Forbes