Mariing kinondena ni House Committee on Foreign Affairs Chairperson Rachel Arenas ang walang basehang pang-aangkin ng China sa Palawan Island, na ipinakalat sa mga social media platform sa China.
Giit ni Arenas bukod sa walang katotohanan, hindi ito akma sa kasaysayan at isa ring pagbalewala sa international law.
Ang ginagawa aniyang propaganda ng China ay isang tahasang pag-atake sa ating soberanya.
“The Philippines has always exercised full sovereignty over Palawan. This is an indisputable fact. China’s fabricated claims are blatant propaganda and an attack on our sovereignty. Palawan has always been and will always remain part of the Philippines. This is an established reality,” giit ni Arenas.
Apela naman ni Arenas sa mga kinauukulang ahensya na maglabas ng bagong mapa kung saan nakalagay ang ating maritime territory, political boundaries at iba pang mahalagang feature sa loob ng ating teritoryo, salig na rin sa Archipelagic Sea Lanes Law at Maritime Zones Law. | ulat ni Kathleen Forbes