Pinaalalahanan ni House Committee on Public Accounts Chairperson Joseph Stephen Paduano ang mga resource person na dumalo sa Tri Committee, partikular ang mga ipinatawag na social media influencers na maaari silang ma-contempt sa pagpapakalat ng insulto o paninira sa komite pagkatapos ng pagdinig.
Tinukoy niya na salig sa Section 11 paragraph F ng internal rules ng komite, hindi papayagan ang diskusyon, pag atake o pang-iinsulto sa komite matapos itong suspindihin.
“Just to remind you – Section 11 of our internal rules, Paragraph F – we will not allow discussions or attacking, insulting this committee hearing after the suspension of this hearing because you will be in violation… we will be forced to cite you in contempt (undue interference),” ani Paduano.
Inihalimbawa ng mambabatas ang isang block timer mula Cagayan, na naglabas ng mga pag-atake laban sa ginawang pagdinig ng kaniyang komite sa pamamagitan ng kaniyang programa sa Bombo Radyo Cagayan na kanilang pina-contempt.
“We have already done that in my committee when a block timer from Cagayan, Bombo Radyo Cagayan, was cited in contempt because after the hearing he attacks the results of the committee hearing. Please be reminded,” dagdag niya.
Itinakda ng Tri-Comm ang sunod nitong pagdinig sa April 8 ngunit maaari pa ring magbago.
Umiiral naman ang subpoena para 24 na vloggers at influencers na hindi pa rin dumadalo sa pagdinig mula nang sila ay ipatawag. | ulat ni Kathleen Forbes