Inihain ni Cong. Rolando Valeriano, chair ng Committee on Metro-Manila Development ang House Resolution 2257 na nananawagan para sa magkasa ng audit at inspeksyon sa structural integrity ng mga tulad at iba pang istruktura sa bansa.
Kasunod ito ng nangyaring pagbagsak ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.
Aniya, marahil ay mabigat itong trabaho para sa DPWH ngunit kailangan ito para sa kaligtasan ng publiko.
Bukod dito hindi lang ito basta banta sa mga motorista bagkus ay kasayangan din sa pondo ng pamahalaa.
Itinutulak din niya na magagawa ng pagsisiyasat ang House Committees on Public Works and Highways, Good Government and Public Accountability, Metro Manila Development at iba pang kaukulang ng komite sa magiging report ng DPWH at gumawa ng lehislasyon para tugunan ang isyu.
“Such collapse and structural integrity issues of public infrastructures are not merely an ominous hazard to the safety of the public, but are a gross waste of scarce government funds and resources,” ani Valeriano. | ulat ni Kathleen Forbes