Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

House Prosecution Panel, napagkasunduang ituring bilang lead prosecutor si House Minority Leader Libanan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang kapangyarihan ng House Prosecution panel na pangunahan ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang prosecution.

Sa pulong balitaan sa Kamara, kinumpirma ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez na nagkasundo silang 10 prosecutors na bilang senior member ng prosecution, ay ibigay ang kapangyarihan kay Libanan na gampanan ang mga responsibilidad ng tulad sa isang lead prosecutor.

Kabilang na dito ang pag-execute ng verification sa mga petition, motion o pleading ng prosecution; pumirma at maghain ng motion at pleading para sa prosekusyon; at ipatupad ang lahat ng mga dokumento at iba pang hakbang patungkol sa mga dokumento para sa impeachment case ni VP Sara Duterte.

“We have submitted the letter, the prosecutor signed by the other 10 prosecutors including myself that we have appointed, constituted, and empowered the most senior member of the public prosecutors the Honorable Marcelino C. Libanan to perform the following acts on behalf of all public prosecutors in the VP Deterity Impeachment case…So, although it is not yet formal, in effect, ito pa yung tinatawag natin na lead prosecutor,” paliwanag ni Gutierrez.

Kasamang inihain nina Libanan at Gutierrez ang motion to issue summons para hingin kay Senate President Chiz Escudero bilang presiding officer ng Impeachment Court na hilingin kay VP Duterte na sumagot sa kaniyang impeachment complaint.

Sabi niya, nakahanda na ang naturang dokumento ngunit hindi agad isinumite sa Senado dahil nga naka-break ang Kongreso.

Ngunit dahil nakapagsagawa naman anila ng hearing ang Senado, at higit na mas mahalaga ang impeachment ay hiniling nilang maumpisahan na ang proseso.

Sabi pa ni Libanan, hindi pa naman na amyendahan ang Senate Rules of Procedure on Impeachment Trials kaya’t umiiral pa ito.

At nakasaad aniya dito na oras na matanggap ang rules of impeachment ay kailangan simulan ang proseso forthwith.

“Ayon po sa rules of impeachment ng Senado na kapag mayroon nai-file sa senado na impeachment complaint, the senate shall start the proceeding forthwith, simulant agad. Without delay, right away. So kahit ano pong ginagawa natin dahil napakahalaga po nito ay kailangan gumulong ang impeachment,” diin ni Libanan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us