Inaasahan na ni House Speaker Martin Romualdez ang mas magandang kita para sa mga lokal na magsasaka at matatag na suplay ng pagkain kasunod ng pagbubukas ng planta ng biological fertilizer na gawang Pilipino.
Ipinagmalaki ng lider ng Kamara ang aniya’y “game changer” na yugto sa kasaysayan ng agrikultura ng Pilipinas.
Ang naturang ‘Bio N fertilizer’ ay ginawa ng mga siyentipiko ng UP Los Baños at malaki ang maitutulong para mapababa ang pag-asa ng bansa sa chemical fertilizer, na magpapabuti sa soil health at makakabawas sa gastos sa pagsasaka.
“Hindi na nila kailangang mamili sa mataas na gastos o mababang ani—dahil ngayon, may mas abot-kayang alternatibo na!…This means: Mas murang abono para sa ating mga magsasaka. Mas maraming ani, mas mataas ang kita. Mas masustansya at mas abot-kayang pagkain para sa bawat Pilipino,” saad ni Romualdez.
May kakayanan ang planta na makapag-produce ng 7,000 metric tons ng Bio N kada taon na sasapat para sa pangangailangan ng bawat magsasaka ng bigas at mais.
“To our farmers: This is for you. This is proof that we are committed to helping you thrive, not just survive….This project is a bold step forward. But we cannot stop here. We must continue investing in innovation, research, and real solutions that uplift our farmers and strengthen our agriculture sector,” dagdag pa niya.
Apela naman ng House Speaker sa policymakers at business leaders na mamuhunan pa sa sektor ng agrikultura dahil ang matatag na agrikultura ay magpalalakas sa ekonomiya, komunidad at buong bansa.
“To every Filipino: Support local. When you choose Philippine-grown rice, corn, and produce, you help our farmers, you create jobs, and you strengthen our economy,” sabi pa ni Romualdez.