Nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Martin Romualdez sa naiwang pamilya at kaibigan ni dating Solicitor General Estelito “Titong” Mendoza.
Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na isang malaking kawalan sa legal community at sa bayan ang pagpanaw ni Mendoza.
“Beyond his governmental roles, Atty. Mendoza was a pillar in the international legal arena. In 1976, he was elected as Chairman of the United Nations General Assembly’s Legal Committee, highlighting the global recognition of his legal acumen,” ani Romualdez.
Kasabay nito ay kinilala din ng House leader ang pagiging insiprasyon ni Mendoza sa Upsilon Sigma Phi.
Magsisilbi aniyang gabay sa mga miyembro ng kanilang kapatiran ang integridad, talino, at dedikasyon sa serbisyo publiko ng namayapang fraternity brother.
Naniniwala si Romualdez na ang kontribusyon ni Medoza sa bayan lalo na sa legal na propesyon ay maaalala at iingatan.
Kabilang na dito ang kaniyang matagumpay na pagdepensa sa 1973 Constitution Ratification Cases noong siya ay Solicitor General sa mga taong 1972 hanggang 1986. | ulat ni Kathleen Forbes