Walang puwang sa International Criminal Court ang ginagawang ‘political drama’ ng kampo ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega, nakatuon ang ICC sa legal at factual na isyu at ang political circus ng kampo ni Duterte ay hindi kakagatin ng international tribunal.
“Kung may malakas silang depensa, dapat doon sila mag-focus. Pero ang nangyari, pinilit nilang gawing pulitikal ang paglilitis, at halatang hindi ito umubra sa ICC,” sabi ni Ortega.
Katunayan, nagmukha aniyang ‘amateurish’ si dating Executive Secretary Salvador Medialdea nang sabihin nito sa harap ng ICC judges na political persecution ang dahilan kung bakit nasa ICC ngayon ang dating presidente kaysa harapin ang akusasyon sa kaniya.
“Hindi pupuwede ang mga theatrics ni Medialdea sa ICC. The judge saw right through his statements. It even made him look amateurish when he tried to invoke political persecution instead of addressing the charges directly,” saad ng House leader.
Sabi pa ng La Union solon, imbes na kunin ang simpatiya ng publiko at ilayo ang atensyon sa kinakaharap na kasong crimes against humanity ay dapat magpresenta na lang sila ng matibay na argumento at depensa.
“No amount of political grandstanding can erase the fact that thousands were killed during the drug war without due process. The ICC is not a political arena – it is a court of law. Let Duterte’s lawyers prove his innocence there, not in press conferences,” dagdag pa niya.
Mariin din niyang binatikos ang mga nagsasabi na ang paglilitis ng ICC ay pag-atake sa soberanya ng Pilipinas.
Kaya aniya iniakyat ito sa ICC dahil walang makuhang hustisya ang mga biktima ng war on drugs noong nakaupo si Duterte.
“Ang tanong dito ay hindi tungkol sa pagiging Pilipino ni Duterte kundi sa kanyang pananagutan sa batas. Kung wala siyang kasalanan, bakit natatakot siyang harapin ang husgado? Let the truth come out. If Duterte believes he is innocent, let him prove it in court. Huwag na silang gumawa ng gulo para lang takasan ang kaso,” hirit pa ni Ortega. | ulat ni Kathleen Forbes