Nagpaabot din ng pasasalamat si Speaker Martin Romualdez kasama ang buong Kamara, kay gobyerno ng United Arab Emirates (UAE), sa pangunguna ni UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan, at UAE Vice President at Prime Minister Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum, sa paggawad ng royal clemency sa may 115 na Pilipino ngayong panahon ng Ramadan at Eid Al-Fitr.
Aniya ang ipinakitang awa ng UAE ay isang makapangyarihang mensahe ng commitment ng naturang bansa sa hustisya at kahabagan.
Bagay aniya na hindi makakalimutan ng mga Pilipino.
“It reflects the strength of humanitarian values that lie at the heart of Islam, and the magnanimity of a leadership that extends forgiveness and hope in a time of spiritual renewal. We Filipinos will not forget this gesture of goodwill,” ani Romualdez.
Dagdag pa ng House Speaker na hindi lang ito magbibigay ng paghilom sa mga nakatanggap ng clemency ngunit lalo na sa kanilang mga pamilya na naghihintay sa kanilang pag uwi.
“It brings comfort and healing not only to those who have been granted clemency, but to their families and loved ones back home who now look forward to reunion and redemption. It is a gesture that restores dignity and reaffirms our shared belief in second chances,” sabi pa niya.
Bukod dito ay lalo rin aniyang napalakas ang pagkakaibigan ng Pilipinas at UAE na pinatatag maraming taon ng respeto, kooperasyon at pagkakaisa.
Lalo na aniya at isa ang UAE sa mga magiliw na tumanggap sa mga overseas Filipinos kung saan nasa higit kalahating milyong OFW ang nagtatrabaho doon.
“This act also strengthens the abiding friendship between the Philippines and the United Arab Emirates—one built over decades of mutual respect, cooperation, and solidarity. The UAE has long been a gracious host to over half a million Filipinos who contribute meaningfully to your society and economy. Your continued support for their welfare, rights, and dignity speaks volumes of the values that bind our two nations,” saad pa niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes