Posibleng magpunta sa The Netherlands ang iba pang miyembro ng pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ngayong Marso.
Sa virtual press briefing, sinabi ni Vice President Sara Duterte na sakaling matuloy ang pagbisita ng kaniyang mga kapatid ay plano niyang kumuha ng permiso sa International Criminal Court (ICC) para makabisita ang mga ito sa kanilang ama.
Ayon sa Pangalawang Pangulo, mayroon ding inihahanda ang mga overseas Filipino worker at Filipino community sa nasabing bansa para sa kaarawang ng dating Pangulo.
Bukod dito ay magkakaroon din aniya ng peace rally sa The Hague sa March 23 ang mga taga-suporta ng dating Pangulo bilang suporta sa mga panawagan na pauwiin na ito Pilipinas. | ulat ni Diane Lear