Naghain ng petition for certiorari and prohibition and temporary restraining order ang grupong Teachers Dignity Coalition, Freedom from Debt Coalition at Philippine Alliance and Human Rights Advocate sa Supreme Court ngayon hapon.
Ito ay para ipatigil ang pagpapatupad ng 2025 General Appropriation Act na para sa kanila ay may nilabag na batas.
Ayon kay Rovik Obanil, secretary general ng Freedom from Debt Coalition, nilabag ng GAA ang Section 5 ng Konstitusyon kung saan dapat prayoridad ng pambansang pundo ang edukasyon.
Agrumento ng grupo, ang DPWH ang nakatanggap ng pinakamalaking Pondo sa 2025 GAA na nagkakahalaga ng ₱1.5 trillion.
Iginiit din ng grupo na maraming pag-aaral ang nagpapakita na nasa krisis ang edukasyon sa Pilipinas, mababa ang rating ng edukasyon sa Pilipinas kumapara sa ibang bansa na makikita sa lebel ng kaalaman ng mga estudyante ngayon. | ulat ni DK Zarate