Kasunod ng paghikayat sa mga OFW na huwag magpadala ng kanilang remittances sa bansa bilang pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay may nagpahayag ang mga Pilipino abroad na hindi sila makikiisa sa nasabing panawagan.
Sa Malacañang briefing, sinabi ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Atty. Claire Castro na nang kanilang inihayag ang kanilang tugon ukol dito ay may nagkomento nang mga OFW na hindi sila lalahok sa nasabing panghihikayat.
Ang rason, magugutom at maaapektuhan ang kanilang pamilya kung makikisama sila sa nasabing panawagan.
Muli namang panawagan ng Palasyo sa ating mga kababayan, maging mapagmasid at iwasang maniwala sa fake news.
.
Wala aniyang mangyayari kung magpapa-udyok sa ganitong nga panghihikayat gayung ang epekto sa huli ng isinusulong na zero remittance ay hindi lang ang gobyerno kundi lalatay din sa pamilya mismo ng mga OFW. | ulat ni Alvin Baltazar