Muling magkakaroon ng access ang mga residente sa Caloocan sa murang gulay at iba pang bilihin sa pagbabalik ng Kadiwa ng Pangulo sa lungsod.
Sa abiso ng LGU, muling bibisita ang Kadiwa sa C-Cube Complex, Caloocan City Hall – South sa March 27 hanggang March 28, 2025, simula alas-7 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Tampok dito ang iba’t ibang produktong pang-agrikultura gaya ng gulay, prutas, bigas, itlog, at iba pang mga pagkaing kinakailangan natin sa araw-araw.
Kasunod nito, hinikayat ni Mayor Along Malapitan ang mga residente na suportahan ang programa na makatutulong hindi lang sa mga magsasaka kundi maging sa mga manggagawang Pilipino. | ulat ni Merry Ann Bastasa