Nakikiisa ang buong Kamara, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez sa pakikidalamhati sa mga biktima ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar at Thailand.
Aniya, dama ng mga Pilipino ang bigat na kanilang nararanasan ngayon at bilang kasama sa ASEAN, ay makakaasa aniya ng tulong ang dalawang bansa mula sa Pilipinas.
“We are deeply saddened by the tragic events unfolding in Myanmar and Thailand. On behalf of the House of Representatives, we extend our heartfelt condolences to the families who lost their loved ones and those who continue to suffer in the aftermath. We feel the weight of your sorrow, and across the seas, your suffering echoes in the hearts of every Filipino,” ani Romualdez.
Diin ng lider ng Kamara, higit sa ugnayan dahil sa heograpiya, pinaguugnay aaniya tayo ng diwa ng katatagan at humanidad at umaasa siyang ang pakikiisa natin ay magbibigay ng pag-asa sa kanila.
Sa Myanmar mayroon nang naiulat na 1,600 na nasawi at may sampu naman sa Thailand bukod pa sa mga nasugatan at malawakang pagkasira ng mga instruktura.
Pagsiguro ng House Speaker sa dalawang bansa at mga Pilipinong naninirahan doon na nakahanda ang administrasyong Marcos at Kamara para sa pagbibigay ng agarang tulong.
Kinilala din ni Speaker Romualdez ang mabilis na aksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DoH) para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Myanmar at Thailand habang inihahanda rin ang tulong sa mga apektadong komonidad.
Umapela din ang Speaker sa international community na magpaabot ng karampatang tulong sa Myanmar at Thailand, dahil na rin sa napakalaking pinsala na natamo
Hinikayat din niya ang mga mambabatas na aktibong bumuo ng panulala pada mapalakas ang kahandaan at disaster resiliece sa lahat mg rehiyon kasabay ng pagbibigay diin kahalagahan ng pagtutulungan sa panahon ng kalamidad.
“I call upon international organizations and partners to urgently mobilize resources for Myanmar and Thailand. It is crucial that aid reaches affected communities swiftly and effectively, helping them rebuild during this time,” diin ni Speaker Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes