Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa mga opisyal ng barangay ang suporta ng Kamara para mapalakas ang kanilang kapabilidad na magampanan ang kanilang tungkulin.
Ginawa ito ng lider ng Kamara sa harap ng Liga ng mga Barangay ng Pilipinas-Tacloban Chapter kasabay ng kanilang apat na araw na comprehensive disaster prepardeness training.
Mahalaga aniya na mabigyang suporta ang mga opisyal ng barangay dahil sila ang sandigan ng pamamahala ng buong bansa.
“The House of Representatives, under my leadership, is committed to giving barangay officials the dignity and support you deserve. Hindi namin kayo pababayaan, dahil hindi niyo rin kami iniwan. We will continue pushing for laws that recognize your sacrifices, secure your future, and strengthen your capacity to lead,” ani Romualdez.
Punto niya, ang mga barangay ang first responders sa lahat ng hamon, ang unang takbuhan at sumasalo ng problema ng komunidad, kaya kapag matibay ang barangay ay tiyak na walang maiiwang Pilipino.
Kaya aniya isinulong nila sa Kongreso ang mga panukala para mapalakas ang kanilang pagtugon gaya ng pagpapalawig sa termino ng mga barangay officials sa anim na taon; pagkakaroon ng SSS ng mga opisyal ng barangay; at pagbuo ng Magna Carta for Barangays. | ulat ni Kathleen Jean Forbes