Photo courtesy of Caloocan PIO
Pormal nang inilunsad ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kaniyang kampaniya para sa muling pagtakbo bilang alkalde.
Pinangunahan niya at ng kaniyang Team Aksyon at Malasakit ang pagsisimula ng lokal na kampaniya ngayong araw.

Bago ito ay dumalo muna sa isang misa sa San Roque Cathedral Parish kasama ang kaniyang pamilya at mga kasamahan sa partido.
Matapos nito, nagtipon ang kanyang mga tagasuporta sa Plaza Rizal para sa maliit na caucus bago tumuloy sa miting de avance sa Barangay 137.

Nagpasalamat ang alkalde sa mga mamamayan ng Caloocan sa patuloy na tiwala at suporta sa kanyang panunungkulan. | ulat ni Diane Lear